Pumunta sa nilalaman

Karnal (pelikula)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Karnal
Ang paskil ng Karnal
DirektorMarilou Diaz-Abaya
PrinodyusBenjamin Yalung
SumulatRicardo Lee
Itinatampok sina
MusikaRyan Cayabyab
SinematograpiyaManolo Abaya
In-edit niMarc Tarnate
TagapamahagiCine Suerte
Inilabas noong
25 Disyembre 1983 (1983-12-25)
Haba
123 minuto
BansaPilipinas
WikaFilipino

Ang Karnal ay isang pelikulang dramang katatakutan mula 1983 na sa direksiyon ni Marilou Diaz-Abaya mula sa dulang pampelikula na isinulat ni Ricky Lee, na nagmula sa kuwentong legal na "To Take a Life" ni Teresa Añover Rodriguez.

Buod ng pelikula

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isang matandang dalaga (Solis) na nasa kalagitnaan ng gulang, na gumaganap bilang tagapagsalaysay, ay inilantad ang kalunos-lunos na drama ng isang kilalang pamilya na pinumunuan ng isang mayaman na may-ari ng lupa.

Ang bagong kasal na Narcing (Salvador) at Puring (Castillo) ay dumating mula sa syudad para manirahan sa tinubuang bayan ng lalaki na Mulawin. Ang kanyang ama, Gusting (Silayan), ay natimo sa pagkakahalintulad ni Puring sa kanyang pumanaw na asawa. Ito ang nagtulak kay Gusting na halayin ang kanyang manugang. Pwersahan nyang pinilit na makipagtalik kay Puring, habang idinadahilan ang kanyang hinanakit sa pamamagitan ng pagbubuyo kay Narcing sa pagiging higit na mapaggiit. Sa oras ding iyon, kinakailangang niya na maglatag na may ngitngit ng mga taga-baryo sa kanyang pagkakaibigan sa isang pipi't bingi na si Gorio (Torre). sa marahas na alitang pampamilya na sumunod, nilusob ni Narcing ang kanyang ama na may mahabang kumpit na pampangangaso, at kanya itong pinugutan.

Habang nasa bilangguan ang kanyang asawa, nanganak si Puring ng isang sumpong na sanggol na babae, na itinuturing ng mga taga-baryo na anak ng demonyo. Pagkatapos ilibing ang kanyang anak upang takasin ang mapalunging kalagayan, lumisang pabalik sa Puring sa lungsod kasama si Narcing na tumakas mula sa piitan. Subalit hinuli si Narcing ng mga awtoridad at kinalauna'y sa bilangguan nagpakamatay.

Ang tagapagpahayag ng salaysay ay nagbunyag ang kanyang pagkakakilanlan bilang pamangkin nina Narcing at Puring. Ang kanyang ina na si Doray (Amilbangsa) ay kapatid na babae ni Narcing. Sapilitang pinakasalan ng kanyang ama na ang kanyang ina kahit hindi nito nais, mangyaring tumakas si Doray mula sa tahanan ng pamilya kasama ang kanyang talisuyo. Ganundin, biktima rin siya ng katibungan ng pamilya noong nakaraan.[1]

Taon Gantimpala Kategorya Nominado Resulta
1983 Metro Manila Film Festival Best Film Karnal Nanalo
Best Sound Engineering Rudy Baldovino Nanalo
Best Cinematography Manolo Abaya Nanalo
Best Art Direction Fiel Zabat Nanalo
1984 FAMAS Awards Best Picture Karnal Nanalo
Best Supporting Actor Vic Silayan Nanalo
Best Director Marilou Diaz-Abaya Nanalo
Best Music Ryan Cayabyab Nanalo
Best Actor Phillip Salvador Nominado
Best Supporting Actress Grace Amilbangsa Nominado
FAP Awards Best Director Marilou Diaz-Abaya Nanalo
Best Supporting Actress Charito Solis Nanalo
Best Production Design Fiel Zabat Nanalo
Gawad Urian Best Actor Phillip Salvador Nanalo
Best Director Marilou Diaz-Abaya Nominado
Best Supporting Actor Vic Silayan Nanalo
Best Cinematography Manolo Abaya Nanalo
Best Music Ryan Cayabyab Nanalo
Best Supporting Actress Charito Solis Nanalo
Best Production Design Fiel Zabat Nanalo
Best Picture Karnal Nominado
Best Supporting Actor Joel Torre Nominado
Best Actress Cecille Castillo Nominado
Best Supporting Actress Grace Amilbangsa Nominado
Best Sound Rudy Baldovino Nominado
Best Screenplay Ricky Lee Nominado
Best Editing Marc Tarnate Nominado
  1. L. Pareja, CCP Encyclopedia of Phil. Art, Vol. VIII (Phil. Film), p. 170

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]